Servando Magdamag at iba pang maiikling kuwento / Ricky Lee.
Material type:
- 9789715068796
- PL 6058.9
Item type | Current library | Call number | Status | Date due | Barcode | |
---|---|---|---|---|---|---|
![]() |
HRVVMC Library | PL 6058.9 L44 2021 (Browse shelf(Opens below)) | Available | |||
![]() |
HRVVMC Library | PL 6058.9 L44 2021 (Browse shelf(Opens below)) | Available |
Browsing HRVVMC Library shelves Close shelf browser (Hides shelf browser)
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
||
PL 6058.9.B38 S59 2015 Sixty in the city / | PL 6058.9.B38 S66 2017 Sonata / | PL 6058.9 H45 R48 2012 Ka Amado | PL 6058.9 L44 2021 Servando Magdamag at iba pang maiikling kuwento / | PL 6058.9 L44 2021 Servando Magdamag at iba pang maiikling kuwento / | PL 6058.9 M37 2018 Na kung saan : kapirasong kritika, mahigit isang dekada | PL 6058.9 T37 2022 Sa aking henerasyon : mga tula at saling-tula |
Sa Ricky sampler ng mga kuwento sa librong ito, matatagpuan ang anim sa pinakakilala sa kanyang mga kuwento at kung bakit natatangi siya bilang kuwentista sa panitikang Filipino. Ang modernistang stilo ng kuwento ang naisagawa ni Ricky sa simula ng kanyang pagkukuwento noong maagang 1970s at napaunlad niya hanggang sa pinakahuli sa mga kuwentong nasa koleksyong ito, “Kabilang sa mga Nawawala.”
Ang storytelling ni Ricky ay hindi linear, at mas sinusundan ang sinematikong modelo ng pagkukuwento at paglalahad ng kaganapan na tila mga eksena sa pelikula. Gumagalaw ang mga eksena sa mga kaganapan sa kuwento na parang mata ng kamera, kumikilos, nagzu-zoom in o out, naka-frame na close up o long shot, at maging quick o long take ang eksena sa pamumukadkad ng mga detalye at pagkilos sa mga eksena.
Historikal ang mga kuwento niya, lubog sa pwersa ng kasaysayan ang mga tauhang pangkaraniwang dumaranas ng pinakamahapding latay sa hagupit nito, at may materialidad ang pagdanas ng mga tauhan na nakaangkla sa aktwal na pagdanas ng kaapihan at kawalan-magawa o paglaban ng mayoryang mamamayan.
—Mula sa introduksyon ni Rolando B. Tolentino,
“Ang Pag-akda ng Katha, Pagkatha ng Akda ni Ricky Lee”
There are no comments on this title.